PNP Chief Ronald Dela Rosa sinabon ang pitong pulis na sangkot sa abduction at robbery extortion ng 3 Koreano sa Angeles City

Kinumpirma ni PNP chief police Director General Ronald dela Rosa na bumalik sa bansa ang isa sa tatlong Koreano na kinotongan ng ilang pulis na nakatalaga sa Station 5 ng Angeles City Police Office sa Pampanga.


Sinabi ni Dela Rosa na mismong si PRO-3 regional police director C/Supt. Aaron Aquino ang nag-ulat na bumalik ito ng bansa.

 Layon nito para pormal na makapagsampa ng kaso laban sa mga suspek na pulis.

 Kinilala ang banyagang bumalik sa bansa na si Lee Ki Hoon, first timer sa bansa na ang sadya lang ay maglaro ng golf pero kinotongan umano ng mga pulis.

 Umaasa si PNP chief na sa pagbabalik ng Koreano ay magiging malinaw ang mga pangyayari at makapagsampa na nang kaso laban sa mga suspek na pulis.

 Dumulog na rin sa CIDG Region 3 si Hoon.

 Kasama ni Lee ang ilang kinatawan ng Korean embassy na nagsisilbi rin nitong costudian.

 Una nang sinibak sa pwesto ang pitong pulis na sangkot sa pangongotong na kinilalang sina PO3 Arnold Nagayo, PO3 Roentjen Domingo, PO2 Richard King Agapito, PO2 Ruben Rodriguez, PO3 Gomerson Evangelista, PO1 Jayson Ibe, PO1 Mark Joseph Pineda.

 Dahil sa insidente, sinibak din sa pwesto sina Police Chief Wendel Arinas-Station 5 commander at Senior Inspector Rolando Yutuc, ang deputy station commander dahil sa command responsibility.

https://youtu.be/ICAaB6A0LnY

What's Your Reaction?
Angry Angry
0
Angry
Cry Cry
0
Cry
Damn Damn
0
Damn
Fail Fail
0
Fail
Lol Lol
0
Lol
Love Love
0
Love
OMG OMG
0
OMG

Leave a Reply

PNP Chief Ronald Dela Rosa sinabon ang pitong pulis na sangkot sa abduction at robbery extortion ng 3 Koreano sa Angeles City

log in

Become a part of our community!
Don't have an account?
sign up

reset password

Back to
log in

sign up

Join Jologs Community

Captcha!
Back to
log in
Choose A Format
Poll
Story
List
Meme
Video
Image