SHABU, SINO KA BA?

Isa sa pinakamalaking suliranin ng ating bansa ay ang unti-unting pagkahumaling ng mga Pilipino sa SHABU. karamihan sa mga nakasalamuha ko na gumagamit nito, ito raw ay isang paraan para makaiwas sila sa kanilang mga problema. May ilang mga kabataan ang gumagamit na ng nasabing bawal na gamot. Ang ilan ding dahilan ay ang pagkamausisa (curiosity),udyok ng mga kasamahan (peer pressure), di pantay na kalooban (insecurity), pagrerebelde (rebelliousness).


Ano ba ang Shabu? Ano ang epekto nito?Anu-ano ang mga paraan para maiwasan ng isang indibidwal ang bawal nagamot?

Ang Shabu, ay slang term para sa methamphetamine ginagamit in Japan, Hong Kong, Philippines, Malaysia and Indonesia. Ang shabu o methampetamine ay isang uri ng ipinagbabawal na gamot, na ang karaniwang anyo ay kulay puting pulbos na tila pinong asin o tawas. Ito ay maaaring ihalo sa tubig at iturok. Ito'y maaari ring singhutin o langhapin; ito rin ay maaring ilagay sa foil at sunugin, "lutuin" ayon sa iba. Ito'y tinatawag rin na bato.

Ag epekto nito:

Mga pangmadaliang epekto:

Pagka-high o pagiging masayang masaya

Salita ng salita

Pag-iinit ng katawan

Pagiging Hypersexuality

Kawalan ng ganang kumain

Pagbilis ng paghinga

Kawalan ng pagod

Mga pangmatagalang epekto:

Pagka-addict

Pagiging bayolente

Pagkalito

Pag-iiba ng personalidad at ugali

Pagkawala sa sarili / Pagkasira ng ulo

Hindi makatulog / Hirap matulog

Pagbawas ng timbang

Pagkadinig o pagkakita ng mga bagay na hindi naririnig/nakikita ng iba

Mga komplikasyon sa utak, puso, at iba pang bahagi ng katawan

Unti-unti ring nabubungi ang mga ngipin 

Nalalagas ang buhok

Nade-deform ang histsura ng mukha.

Ang shabu ay sumira at patuloy na sumisira sa buhay, sa katinuan at sa kinabukasan ng milyong Pilipino

Lahat ng gumagamit nito ay maaring niyong iwasan ang Shabu, kailangan lang buo ang loob mo na itigil ito. Kailangan mong iwasan ang mga tao, lugar na alam mong makakapaghila sa'yo na gumamit muli. Maging abala sa mga gawain, bagay at tao na dati'y hindi nabibigyan ng pansin, nung ikaw ay lulong pa, tulad ng Pamilya; Trabaho; Libangan. At ang pinakaimportante ang paglapit mo sa Diyos, siguradong mawawala  ang SHABU sa buhay mo. 

What's Your Reaction?
Angry Angry
1
Angry
Cry Cry
1
Cry
Damn Damn
1
Damn
Fail Fail
0
Fail
Lol Lol
0
Lol
Love Love
0
Love
OMG OMG
0
OMG

Leave a Reply

SHABU, SINO KA BA?

log in

Become a part of our community!
Don't have an account?
sign up

reset password

Back to
log in

sign up

Join Jologs Community

Captcha!
Back to
log in
Choose A Format
Poll
Story
List
Meme
Video
Image