Ginang na tumanggi raw sa halik ng kapitbahay, nilaslas ang leeg; anak ng biktima, sugatan


Ginang na tumanggi raw sa halik ng kapitbahay, nilaslas ang leeg; anak ng biktima, sugatan

Patay ang isang ginang at sugatan naman ang tatlong-taong-gulang niyang anak matapos na laslasin ng kanilang kapitbahay ang kanilang leeg sa Caloocan City. Nag-ugat umano ang krimen nang tumanggi ang ginang na mahalikan ng salarin.

Sa ulat ni Katrina Son sa GMA News “Saksi” nitong Huwebes, sinabing nakita kaninang umaga ng mga kaanak ang duguang bangkay ni Janelle Mangaluban, sa loob ng bahay nito.

Duguan din at may sugat sa leeg ang anak nito na kaagad na dinala sa ospital.

Nadakip naman ang suspek na si Jayson del Valle, na nakitang nagtatago sa kisame ng bahay.

Hinala ng mga awtoridad, maaaring naghihintay si del Valle na dumilim bago tumakas.

Napag-alaman na kumpare ng asawa ng biktima si del Valle.

Ayon mismo sa suspek, nakasalubong niya sa kalsada si Mangaluban dakong hatinggabi nitong Miyerkules na hindi umano makatulog.

Dahil misis ng kanyang kumpare, sinamahan umano niya ang biktima sa bahay at doon uminom ng alak.

Pero matapos ang inuman, sinabi ni del Valle na nablangko na kaniyang isip nang makitang nakahiga na sa kuwarto ang ginang.

“Nasilip ko sa kwarto na ganun, parang nablangko ako, nagawa ko yung ganung krimen,” ani del Valle, “Nakita ko siyang nakakumot,  nakalabas yung kalahati ng underwear.”

Sinubukan daw niyang halikan ang biktima pero hindi ito pumayag kaya kumuha siya ang kutsilyo sa kusina.

Patuloy ni del Valle, nagpambuno sila ng biktima bago niya nilaslas ang leeg nito.

Napagbalingan din niya ang batang anak na babae ng biktima dahil iyak ito nang iyak at ginilitan din ng salarin.

Humihingi ng tawad si del Valle sa pamilya ng mga biktima dahil sa kaniyang ginawa.

https://www.youtube.com/watch?v=fDb90DctDr8

What's Your Reaction?
Angry Angry
0
Angry
Cry Cry
0
Cry
Damn Damn
0
Damn
Fail Fail
0
Fail
Lol Lol
0
Lol
Love Love
0
Love
OMG OMG
0
OMG

Leave a Reply

Ginang na tumanggi raw sa halik ng kapitbahay, nilaslas ang leeg; anak ng biktima, sugatan

log in

Become a part of our community!
Don't have an account?
sign up

reset password

Back to
log in

sign up

Join Jologs Community

Captcha!
Back to
log in
Choose A Format
Poll
Story
List
Meme
Video
Image