Bulalo, ikaw ang inaasam asam ko!

Bigla ka bang naglaway? Umamin ka!


Isa sa mga cravings nating mga pinoy ay ang makasaysayang bulalo. Pero san nga ba talaga  nagmula ang bulalo? Marami ang nagsasabing Southern Tagalog daw ang pasimuno nito pero sa dahilang dito makakatikim ng iba’t ibang istilo ng luto nito. Meron din sila sa mga Ilonggo na kung tawagin nila ay kansi.. Sa cebu naman ay kilala sa tawag na pochero pero wag natin tong ipareho sa pochero ng mga Tagalog.



Ang pinaka simpleng bulalo naman ay matitikman natin sa bandang norte. Lasap na lasap mo talaga ang linamnam dahil wala nang ibang sahog kundi ang mismong beef shank lang. Sa mga di masyadong maselan ang panlasa, kadalasan ding karne ng kalabaw ang gamit sa pagluto nito dahil ito ang madaling mahagilap sa mga palengke ng norte.



Di na mahalaga kung sino at saan ba ang talagang pasimuno ng bulalo. May kanya kanyang istilo lang talaga ang pagluto nito depende na sa panlasa. Basta’t napapainit nito ang sikmura ng sinumang hihigop, magkaisa tayo para sa bulalo!

Just imagine, ung humihigop ka ng mainit na sabaw na pinisaan ng siling labuyo. Yung medyo napapaso-paso ka pa. Tapos kukutsarahin mo yung laman na may kaagapay na litid na nanginginig na sa lambot.. Tapos susundutin mo yung utak ng buto na kung di kakayanin ay itataktak mo sa iyong plato..

Kasarap naman! Ano ho.. naglalaway na ba kayo?

What's Your Reaction?
Angry Angry
0
Angry
Cry Cry
1
Cry
Damn Damn
0
Damn
Fail Fail
0
Fail
Lol Lol
0
Lol
Love Love
0
Love
OMG OMG
1
OMG

Leave a Reply

Bulalo, ikaw ang inaasam asam ko!

log in

Become a part of our community!
Don't have an account?
sign up

reset password

Back to
log in

sign up

Join Jologs Community

Captcha!
Back to
log in
Choose A Format
Poll
Story
List
Meme
Video
Image