Amo ng babaeng pinugutan, hinahanap ng pulisya


Inatasan ni ­Justice Secretary Vitaliano ­Aguirre II ang ­National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng ‘parallel investigation’ kaugnay sa gina­wang pag­pugot ng ulo sa isang kasambahay sa ­Ayala, Alabang noong nakalipas na buwan.

Sa direktiba ni ­Aguirre kay NBI Director Dante Gierran na magsagawa ng imbestigasyon at case build up sa pagpatay at pagpugot ng ulo sa biktimang si Richelle Sagang, 17, tubong Zamboanga del Norte.

Ayon sa inisyal na ulat, nabatid na binaril muna sa noo bago pinutol ang ulo nito saka itinapon sa isang creek sa Makati City habang ang katawan naman ay ­itinapon sa Bulacan.

Inatasan rin ni ­Aguirre si Gierran na isumite sa kanyang tanggapan ang mabubuong imbestigasyon sa kaso.

Kinilala naman ng magsasakang taga-Zamboanga del Norte, na si Noel Sagang, na ang ulong nakita ay sa kanyang anak na si Richelle at gayundin ang katawan na itinapon sa Bulacan sa pamamagitan ng nunal nito sa braso.

Sa kabila nito, hinihintay pa ang resulta ng DNA test upang makumpirma na ang biktima ay anak ni Noel.

https://www.youtube.com/watch?v=nl4xQVmggwE

What's Your Reaction?
Angry Angry
0
Angry
Cry Cry
0
Cry
Damn Damn
0
Damn
Fail Fail
0
Fail
Lol Lol
0
Lol
Love Love
0
Love
OMG OMG
0
OMG

Amo ng babaeng pinugutan, hinahanap ng pulisya

log in

Become a part of our community!
Don't have an account?
sign up

reset password

Back to
log in

sign up

Join Jologs Community

Captcha!
Back to
log in
Choose A Format
Poll
Story
List
Meme
Video
Image